Header Ads

COSPLAYER PROFILES: Bajojoy

Welcome to the 2021 Edition of COSPLAYER PROFILES and our first cosplayer for 2021 is BAJOJOY! Her main reason for cosplaying is FOR CHARITY.  She wants to inspire people and gain more friends.



Introducing Bajojoy

Real Name: Joyjoy Bajojoy

When did you start cosplaying?

Best of Anime 2017

Why do you cosplay and what inspired you?

For charity
To inspire people and gain more friends
To make my favorite character come to life
And to improve my skills in arts

FOR CHARITY

Ewan ko ba kung kelan ‘to nagsimula pero gustong-gusto ko talaga ng charity works lalo na pagpapasaya ng mga bata, and my main target is yung mga bata sa orphanage.


Alam ko (alam natin, hindi lang talaga natin iniisip) na bukod sa panonood nila ng anime at cartoons sa tv, at sa paminsan-minsan nilang makakita ng mga mascots e hindi naman sila aware ng tungkol sa mga cosplay conventions.

Like, nung last bday ko, pinalad akong magcelebrate ulit sa isang orphanage, at bonus pa, nakapag-invite ako ng mga cosplayers :). Wala kaming kahit anong preparation nung araw na yun, yung as in impromptu lahat, pero I was so touched nung habang ini-introduce ko isa-isa yung mga cosplayers,yung mga bata at mga lola, wow sila ng wow. Hindi ko makakalimutan yung tinawag ko si Ate Elsa (Frozen), pagpasok nya sa hall,ang reaction nung mga bata, “wooooooowwwww’. Hindi yung pasigaw na wow, yung mahinahon at mahabang wow. Parang music sya sa pandinig ko. Hahahhahah.

Naniniwala din kasi ako na making others happy makes you more happy. Tulad na lang non, kung 20 na bata ang napasaya namin, yung happiness namin, X20. Ang sarap sa feeling. Ilang bes ko sila tinanong kung kakain na ba kami pero hindi sila nagugutom, naglaro kami ng naglaro.

Pag sinwerte ako sa future, gusto ko magkaron ng sariling orphanage :).


TO INSPIRE PEOPLE AND GAIN MORE FRIENDS


Katulad ng madami, pangarap ko din maka-inspire ng ibang tao in my own little way (hindi na bago ‘to diba). Just like kung paano ako ma-inspire ng mga simpleng tao, gusto ko din maibalik yun sa iba. Yun bang kahit hindi kayo magfamily, magboyfriend-girlfriend, magkaclose or whatsoever, maiinspire mo sya. At sana, sa mga achievements ko ngayon, sana naman meron na akong nainspire hahahhahaha. Ayy! Meron na pala, dun sa company namin, may isang grupo na gusto magcharity work pero hindi nila matuloy-tuloy kasi feeling nila imposible. Nung napasama sila sa first bday celebration ko sa orphanage, naisip nila na nothing is impossible kung gusto mo talaga, ayun, nakabuo kami ng group at pang second year na namin tong 2016 :D. Kahit hindi nila i-admit o sabihin na na-inspire ko sila, e kini-claim ko na, NAINSPIRE KO SILA HAHAHHAHA :-D :P.

At syempre, habang nakakainspire ka, dumadami ang friends mo. Ang saya pag madami kang nakakausap na kaparehas mo ng mga gusto, mga gustong panoorin, pakinggan, basahin. Hehehhe. Hindi ka mauubusan ng kausap. Hahahhaha.

What characters have you cosplayed? 

  1. Chun Li
  2. Healer from COC
  3. Fuu from Magic Knight RarEarth na lagi naoapagkamalang Encantadia
  4. Tenten from Naruto



Bajojoy and Her Plans in Cosplay

What is your best experience in cosplaying?

When I have my birthday in an orphanage in which I cosplayed as well.


Any future plans or dream?


Plan ko magkaron ng sariling orphanage or charity group. At syempre, hindi mawawala don ang pag invite ng mga cosplayers para magpasaya kapag may gatherings 😊😊


What is your message to other cosplayers?

We cosplay for fun, not fame 😁


Please follow and be updated about Najojoy through her Facebook, Joyjoy Bajojoy

We are also encouraging other cosplayers to submit and be part of Cosplayer Profiles. Submit HERE your Cosplay Profile.

ABOUT THE WRITER

David Shen D'Angelo
FOLLOW ME:

No comments

Powered by Blogger.